War chief of staff ng Iran napatay ng Israel

War chief of staff ng Iran napatay ng Israel

INANGKIN ng Israel nitong Martes, Hunyo 17, 2025 na napatay nila ang wartime chief of staff ng Iran na kinilalang si Major General Ali Shadmani.

Itinuturing ito na pinakamataas na opisyal sa militar ng Iran sa oras ng kaniyang pagkamatay.

Sa ulat, apat na araw pa lamang siya sa posisyon nang mapatay sa airstrike.

Pinalitan niya sa puwesto si Major General Gholam Ali Rashid na nasawi rin dahil sa pag-atake ng Israel noong Biyernes, Hunyo 13.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang Iran tungkol dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble