NILINAW ni National Security Adviser Clarita Carlos na ang hindi pagkabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa war on drugs and anti-insurgency campaign sa kanyang nagdaang State of the Nation Address (SONA).
Ayon ni Carlos, hindi nakakalimutan ni PBBM ang dalawang mahalagang giyera ng pamahalaan.
“He had covered practically all the bases although there were some remarks these things that you have noted were not included. I think they were embedded in many of the things that you had identified. You just have to look at them and you know, cull them from the many, many policies that he named. They can be in agriculture, they can be in transport and they were all leading to the 6 philosophies of the NTF-ELCAC for that matter,’’ pahayag ni Carlos.
Ang giyera kontra insurhensiya ay giyera kontra iligal na droga kaya may babala si Carlos sa mga kalaban ng pamahalaan.
“So huwag nilang isipin na porke hindi sila binanggit ay wala na sila sa scenario. As a matter of fact, sila ay nandiyan sa scenario at mas malalim pa ang iniisip sa kanila,” ayon kay Carlos.
Samantala, guest of honor kaninang umaga sa Reservist forum sa Tanza Cavite si Carlos.
Mainit siyang tinanggap ng mga opisyal ng Armed Forces kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC).
Lalo na’t binanggit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbabalik ng ROTC program.
Layon ng Pangulo na maihanda ang lahat tuwing panahon ng kalamidad gaya ng nangyaring lindol kamakailan sa Abra.
“Pero mas marami tayong maihahandang sibilyan para sa mga ganitong disaster response sa pamamagitan ng ROTC Program. Dahil hindi lang naman national defense ang itinuturo sa kanila kundi disaster preparedness and capacity building,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon kay MGen. Fernando V. Felipe, commander ng Army Reserve Command, binubuo na nila ang ROTC handbook kung saan naroroon ang Program of Instruction and Lectures.
“Binubuo na namin ngayon yung ating ROTC handbook. Andoon yung mga program of instruction and lectures, may mga AVP na rin kaming nai-prepare and we have the numbers na i-aactivate ng ROTC unit nationwide,” ani Felipe
“This was included in the second to the last cabinet meeting where the Secretary of Education talked about plans in education including the inclusion of the ROTC. Either in the last 2 years of the K-12 or in the first 2 years in the beginning of class,” ayon pa kay Prof. Clarita Carlos.