Weak phreatic eruption, na-monitor sa Bulkang Taal—PHIVOLCS

Weak phreatic eruption, na-monitor sa Bulkang Taal—PHIVOLCS

SINABI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may na-monitor sila na weak phreatic eruption sa Bulkang Taal.

Sa kanilang advisory, 9:30 ng gabi nitong Lunes, Hunyo 24 nang mangyari ang mahinang pagputok.

Nasa 600 meters ang taas ng phreatic eruption dagdag pa ng PHIVOLCS.

Posibleng sanhi nito anila ang nagpapatuloy na volcanic gas emission sa naturang bulkan.

Kaugnay rito ay nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ibig sabihin, kailangan pa ring mag-ingat ang publiko.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter