KINUMPIRMA ng whistleblower na si Jeff Tumbado na dating aide ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III na haharap ito ngayon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Manila.
Ito ay upang harapin ang imbestigasyon ng NBI hinggil sa umano’y korapsiyon sa LTFRB.
Sa panayam sa media, sinabi ni Tumbado na haharap ito sa ahensiya mamayang tanghali.
Matatandaang, pina-subpoena ng NBI si Tumbado para mapaharap ito at makuhanan ng salaysay matapos ibulgar ang umano’y talamak na korapsiyon sa LTFRB.