NAGBABALA si World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa paggamit ng Ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19.
Ayon pa kay Dr. Rabindra, kulang pa sa mga clinical trial ang paggamit ng Ivermectin para mapatunayan na ito ay epektibo.
Ani Dr. Rabindra, hindi pa sapat ang mga pag-aaral na nagpapatunay na ito ay epektbo kung kaya’t hindi pa ito nararapat gamitin.
Ito rin ang naging resulta ng pag-aaral ng European Medical Association at US FDA na hindi ito maaaring gamitin bilang gamot sa COVID-19.
Bagamat, may iilang doktor na sumusuporta sa Ivermectin, hindi pa rin ito aprubado ng Department of Health (DOH).
(BASAHIN: ARTA at DOH, magpupulong kaugnay sa Ivermectin bilang treament vs COVID-19)
Una nang nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili at paggamit ng Ivermectin veterinary product kontra COVID-19.
Nilinaw ng FDA na ang Ivermectin ay aprubado lang para sa hayop laban sa heartworm disease at internal and external parasites sa ilang mga hayop.
Ang gamot ay bahagi ng parasite control program sa mga hayop at dapat licensed veterinarian lang din ang puwedeng mag-prescribe.
Ayon sa FDA, ang Ivermectin ay maaari lang sa tao para sa topical formulation o sa balat lang para sa gamot sa external parasites at dapat may prescription rin.
Sinabi ng FDA na hindi ito aprubado ng ahensiya bilang gamot sa anumang viral infection.