Wilbert Tolentino, nagbitiw na bilang talent manager ni Herlene Budol

Wilbert Tolentino, nagbitiw na bilang talent manager ni Herlene Budol

OPISYAL nang nagbitiw bilang talent manager si Wilbert Tolentino sa aktres na si Herlene Budol.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi nito na sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo siyang pangalawang magulang ni Herlene at tinulungan ito sa kaniyang karera pagdating sa beauty pageant at sa pag-aartista.

Ani Wilbert, mahirap man gawin at halos matagal din niyang pinag-isipan subalit kailangan na niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan at bigyan ng oras ang kaniyang mga anak.

Samantala, masaya naman si Wilbert Tolentino dahil natulungan niya si Herlene na makamit ang mga pangarap nito sa buhay gaya ng pagkakaroon ng bagong bahay, sasakyan, negosyo, at mga proyekto.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble