VALID ang work permits ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hanggang matapos ang taon.
Ibig sabihin, valid ang offshore gaming employment licenses sa workers ng Internet Gaming Licensees (IGLs) hanggang Disyembre 31, 2024.
Orihinal na may three-year validity ang mga lisensiyang ito subalit ang adjustment ay nilagdaan na ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) noong Agosto 15.
Matatandaang ipinag-utos na ang nationwide ban ng mga POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa iba’t ibang mga krimen.