Working hours ng Muslim judges ngayong Ramadan inilabas na

Working hours ng Muslim judges ngayong Ramadan inilabas na

APRUBADO na sa Korte Suprema ang pansamantalang flexible working hours sa mga Muslim na judge at iba pang mga kawani.

Sa circular order na pinirmahan, maaaring pumasok ng alas-siete y media ng umaga hanggang alas-tres y media ng hapon ang mga tauhang Muslim ng First at Secondary Court.

Mula Lunes hanggang Biyernes ito epektibo maging sa mga may pasok tuwing Sabado.

Ipatutupad ang panibagong working hours hanggang matapos ang Ramadan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble