Yassi Pressman, bigtime ang investment sa kabila ng pandemya

Yassi Pressman, bigtime ang investment sa kabila ng pandemya

MARAMING artista o celebrities ngayon ang nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya, ngunit marami rin sa mga nasa showbiz industry ang mas nadevelop pa ang kakayanan maliban sa pagpeperform sa harap ng camera.

Kabilang na sa mga masisipag at maswerte na mga celebrity na ito si Yassi Pressman.

Bigtime na maituturing ang malalaking investments ng aktres na ngayon ay nagpapatayo na ng kanyang dream house.

Kabilang sa mga negosyong pinasok ni Yassi ang Presidential Paws na isang dog accessories shop, distributor din ito ng wavee – ang world’s only toothbrush speaker system at ang bago nitong business venture na property investment sa Canada.

Samantala, speaking of property investment at bagong bahay, nag-groundbreaking na rin ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada para sa kanilang ipatatayong bahay sa Batangas.

Ito ay regalo ng mga magulang ni Mikee sa kanila bilang wedding gift noong nakaraang taon.

Sinamahan naman ni DPWH Secretary Mark Villar sina Alex at Mikee sa kanilang laughtrip na groundbreaking.

 

SMNI NEWS