PINANGUNAHAN ng beauty queen na si Yllana Marie Aduana ang pagtatanim ng mga niyog sa 20 barangay sa kaniyang hometown sa Siniloan, Laguna.
Ito ang pagpapakita niya ng kaniyang intensiyon para masungkit ang korona mula sa Miss Philippines Earth 2023.
Sakali aniyang masungkit ang korona ay ipinangako ni Yllana na magiging ‘effective, hardworking at committed’ ito sa pagiging Miss Philippines Earth.
Ang coronation night ng 2023 Miss Philippines Earth sa April 29 ay gaganapin sa Toledo City Sports Center sa Toledo City, Cebu.