HINUBOG ng mga kinatawan ng Philippine Army 89th Infantry Division ang ilang kabataan sa Santo Tomas Davao del Note sa isinagawang Youth Leadership Summit (YLS) sa lugar.
Ang naturang 4 na araw na YLS ay bahagi ng paghubog sa kakayahan ng mga kabataan na mamuno para sa kaunlaran ng bayan sa susunod na mga panahon.
46 na mga kabataan ang lumahok sa mga aktibidad ng nasabing programa na may temang “Batan-ong Madasigon, Ang Kaugmaon Malambuon”.
Iba’t-ibang lecture at diskusyon ang sinalihan ng mga kabataan para talakayin ang mga napapanahong isyu at mga suliranin sa bansa
Ilang sa mga ito ay ang responsabilidad ng mga kagaya nilang kabataan sa kanilang kapwa at sa komunidad, pagtukoy sa mga masasamang gawain tulad ng iligal na droga at kriminalidad, pagtugon sa panahon ng kalamidad at ang napapanahong laban ng bansa kontra sa mga rebeldeng grupong CPP-NPA-NDF na talagang umaabuso sa mga mahihinang kabataan gamit ang mga panlilinlang at panloloko sa mga paaralan at Ng mga organized group.
Bukod sa physical training gaya ng rifle firing, may spiritual retreat din na ginawa ang mga facilitator.
Ilang testimonials din ang pinangunahan ng mga dating kasapi ng naturang rebel group upang ipabatid ang mga kalokohang ginagawa ng mga NPA sa mga komunidad hanggang sa naisipan nilang magbalik-loob sa lipunan at mabuhay ng tahimik kasama ang pamilya.
Personal namang hinimok ni Lt. Col. Donald P. Gaffud, commander ng 89IB, ang mga kabataan na huwag mag-atubiling sumali at makilahok sa mga kaparehong aktibidad at maging bahagi ng solusyon sa pamahalaan at hindi maging problema ng lipunan
“I encourage the youth to be part of the solution of the prevailing issues and problems in their respective communities,” saad ni Gaffud.
Kasabay nito ang paghimok din ng LGU ng Santo Tomas sa lahat ng mga kabataan na huwag sayangin ang mga pagkakataon na makibahagi sa pagpapaunlad ng ating bayan at gumawa ng hakbang na magiging dahilan ng pagbabago ng bansa.
“If you are given a chance to make a difference to the life of others, do it. If you were given a position to make difference, serve it,” giit ng lokal na pamahalaan.