Zelensky, nagpasalamat sa $2.5-B defense package na ibinigay ng US

Zelensky, nagpasalamat sa $2.5-B defense package na ibinigay ng US

PINASALAMATAN ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang bansang Estados Unidos sa ibinigay na $2.5 billion defense package nito sa Ukraine.

Sa isang Twitter post, personal na pinasalamatan ni Zelensky si US President Joe Biden sa ibinigay nito na tulong na aniya’y malaking tulong sa pagsugpo sa mga mananalakay.

Kasama sa nasabing package ay ilang Stryker armored personnel carriers, Bradley infantry fighting vehicles at Avenger air defense system.

Follow SMNI NEWS in Twitter