PINASALAMATAN ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US President Joe Biden dahil sa patuloy nitong pagdepensa at pagbibigay ng tulong pinansyal sa kanilang bansa.
Base sa pahayag ni Zelensky sa kanyang Facebook page, napag-usapan nilang dalawang lider ang sitwasyon ng Ukraine at nangako rin ang Estados Unidos na magbibigay ito ng $625 million na military aid sa bansa.
Sa nasabing usapan, sinabi ni Biden kay Zelensky na ang 625 million dollars na military assistance kasama na ang HIMARS Multiple Rocket Launchers ay ihahatid na sa kanilang bansa.
Siniguro naman ni Biden na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagsuporta sa Ukraine habang dinedepensahan nito ang sarili nito mula sa pangha-harass ng Russia.