HINIMOK ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US billionaire Elon Musk na pumunta sa Ukraine dahil sa kontrobersyal nitong peace proposal para matapos na ang giyera sa pagitan dalawang bansa.
Matatandaan na noong Oktubre lamang nang umani ng kontrobersya si Musk sa Twitter dahil sa panukala nitong peace deal na kinasasangkutan ng re-running sa ilalim ng UN supervision referendums sa mga Ukrainian regions na sinakop ng Moscow.
Sa isang event na inorganisa ng The New York Times, kinutya ni Zelensky ang bilyonaryong businessman at sinabing dapat nitong subukang pumunta sa Ukraine.
Ani Zelensky, kung nais na maintindihan ni Musk ang ginawa ng Russia sa kanyang bansa ay dapat itong pumunta sa Ukraine para makita niya ito mismo.