4M mangrove trees, naitanim ng PPA

4M mangrove trees, naitanim ng PPA

NASA apat na milyong bakawan na ang naitanim ng Philippine Ports Authority (PPA) mula nang umpisahan nila ang proyekto taong 2020.

Pakikiisa ang proyekto na ito ng PPA tungo sa pagtugon sa climate change ayon kay General Manager Jay Daniel Santiago.

Tugon na rin ito sa mainit na panahong nararanasan sa kasalukuyan.

Kamakailan ay naitala ang 38.2 degrees Celsius na temperatura sa Metro Manila at ito na ang pinakamataas simula noong 1915 na nakapagtala ng 38.0 degrees Celsius.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble