Bangko Sentral, nakakolekta na ng halos P649-M coins

Bangko Sentral, nakakolekta na ng halos P649-M coins

TUMATAGINTING na P648.9-M halaga ng barya ang nakolekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, ito ay bahagi ng kanilang kampanya para maibalik sa sirkulasyon ang mga baryang itinatago at iniipon ng ilang ordinaryong mamamayan.

Nauna diyan ay naitala o na-monitor ng BSP na nagkaroon ng artificial na kakulangan ng barya sa ilang bahagi ng bansa.

Isa sa mga naisip o ginawang solusyon ay naglagay na ang BSP ng mga 25-coin deposit machines na ipinuwesto sa iba’t ibang lugar partikular sa mga shopping malls sa Metro Manila.

Kaugnay nito ay hinihimok ng BSP ang publiko na ilabas na ang kanilang barya upang maging e-wallet credits o kaya ay ipalit sa shopping voucher.

Layunin din ng pangongolekta ng barya ng BSP na mapalitan ang mga may depekto tulad ng kinakalawang, burado na ang mukha, o may yupi na.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble