MSMEs haligi ng ekonomiya ng isang siyudad—VP Sara Duterte

MSMEs haligi ng ekonomiya ng isang siyudad—VP Sara Duterte

HALIGI ng ekonomiya ng isang syudad ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ayon kay Vice President Sara Duterte.

Kamakailan ay naging bahagi ng pagbubukas ng Café Gervacios si VP Sara Duterte sa Davao City, patunay aniya na unti-unting bumabalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya.

Ang pagbubukas aniya ng mga negosyong katulad nito ay patunay na unti-unti nang bumabalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa matapos ang nangyaring pandemya.

Aniya pa, malaki ang tulong ng mga negosyong ganito lalo na sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Mariing sinabi ni VP Duterte na dapat mabigyan halaga ng bansa ang seguridad ng mga ganitong negosyo upang makahiyat ng maraming negosyante sa kanilang sa komunidad.

“Marapat lamang na bigyang halaga ng ating bansa ang seguridad nito upang mahikayat at makampante ang mga negosyante na magtayo at bumuo ng kanilang mga negosyo sa ating komunidad,” saad ni VP Sara Duterte.

Dagdag nito na kasama sa kaniyang tungkulin sa Office of the Vice President (OVP) na bigyang halaga ang mga negosyong kagaya nito.

“Kasama sa ating tungkulin sa OVP na bigyang halaga ang mga negosyong kagaya nito. Sa katunayan, ang programang Mag Negosyo Ta ‘Day ay isa sa ating mga adbokasiya na isinusulong upang mabigyan ng pagsasanay at kaunting puhunan ang sektor ng kababaihan at LGBT community,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble