MAAARI paring makadaan ang bikers sa EDSA- Kamuning service road kahit pa ipinagbabawal na ito sa mga motorista.
Nilinaw ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.
Aniya, hindi naman umaalis sa sariling lane nila ang bikers gaya ng mga motorista.
Kaunti lang din ang bikers at kung paiikutin pa ay kawawa na aniya ang mga ito.