Pagbuo ng special task group, ikinasa ng PNP kaugnay sa pamamaril sa isang opisyal ng AFP

Pagbuo ng special task group, ikinasa ng PNP kaugnay sa pamamaril sa isang opisyal ng AFP

ITINUTURING na karumal-dumal ang pagkamatay ni Maj. Dennis Naduja, isang AFP-RESCOM official matapos na pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang armadong suspek sa kaniyang opisina sa Bulacan nitong Sabado.

Ayon sa ulat, lumilitaw na nangyari ang krimen, alas-5:45 ng hapon nitong Sabado sa Sem278 Enterprises sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Sa report ng kaniyang sekretarya, bigla na lamang pumasok sa opisina ang isang lalaki at binaril nang paulit-ulit ang opisyal.

Mabilis din na tumakas ang suspek at sumakay umano sa isang kulay itim na motorsiklo ng kaniyang kasama na nagsilbing lookout.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ding dead on arrival.

Dahil dito, agad na bumuo ng special investigation task group ang pulisya para sa mabilis na pagtukoy sa mga salarin at motibo ng pamamaril nito.

Sa panig ng Philippine Army, patuloy ang kanilang koordinasyon sa PNP para sa mabilis na pagresolba sa kaso.

“Kasi ongoing investigation ng PNP Bulacan. However, the Philippine Army continuously coordinates with the Philippine National Police and Scene of the Crime Operatives for a thorough investigation,” pahayag ni Col. Louie Dema-ala, Spokesperson, Philippine Army.

Dragnet operation laban sa suspek sa pamamaril sa isang opisyal ng AFP sa Bulacan, ikinasa na rin

Ikinasa rin ang isang flash alarm at dragnet operation sa kinaroroonan ng suspek at mapanagot ito sa batas.

Katuwang rito ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team mula sa Regional Forensic Unit 3 para sa pagsasagawa ng isang malalimang imbestigasyon sa insidente.

“Bulacan PNP has activated a flash alarm and initiated a dragnet operation to locate sa suspect. Additionally, the Scene of the Crime Operatives (SOCO) team from Regional Forensic Unit 3 has been called upon to process the crime and gather evidence,” ayon sa Bulacan PNP.

Posibleng may kinalaman umano sa negosyo nitong trucking ang motibo ng pamamaslang.

Habang patuloy rin ang imbestigasyon ng mga pulis kasama na ang pag-aaral sa mga kuhang video sa mga CCTV sa lugar upang makatulong sa imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

“We extend our deepest condolences to the family, friends and colleagues of Major Dennis Moreno during this difficult time,” wika ni Col. Relly Arnedo, Provincial Director, Bulacan-PPO.

Hustisya naman ang isinisigaw ng pamilya ng biktima at maging ng kaniyang mga mistah sa PMA Baghawi Class 2008.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble