Liderato ng PNP, inaming may nanggugulo sa kanilang hanay

Liderato ng PNP, inaming may nanggugulo sa kanilang hanay

TILA may hamon ngayon sa bagong liderato ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos na kumalat sa social media ang umano’y utos ni PNP Chief General Marbil na ilaan na lamang sa mga person deprived of liberty (PDLs) ang rice allowance na para sa mga pulis.

Bagay na pinabulaanan ito ng PNP at sinabing fake news ang kumakalat na impormasyon.

Giit ni Marbil, hindi niya ikinatutuwa ang mga nag-iisip ng masama laban sa kaniya partikular na ang mga paninira sa buong organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble