Pagpapauwi sa labi ng 3 OFWs mula sa Dubai, target isagawa ngayong linggo

Pagpapauwi sa labi ng 3 OFWs mula sa Dubai, target isagawa ngayong linggo

TARGET na mapauwi sa Pilipinas ngayong linggo ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa matinding pagbaha sa Dubai kamakailan lang.

Ayon kay Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, isinasaayos na ang mga dokumento para sa kukuning death certificate at forensic report para sa pagpapauwi ng mga labi.

Tiniyak din ni Cacdac ang tulong ng pamahalaan sa naiwang pamilya tulad ng burial assistance, funeral assistance, at financial assistance.

Matatandaan na sa tatlong biktima, dalawa dito ay mga Pinay na nasawi dahil sa suffocation sa loob ng kanilang sasakyan habang bumabaha;

At ang isa ay nagtamo ng major injuries matapos mahulog ang sasakyan nito sa isang sinkhole.

Nakaligtas naman ang dalawang kasamahan nitong OFW na sugatan din sa insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble