Presyo ng petrolyo, maaaring bababa kung marami ang gagamit ng e-vehicles sa bansa—DOTr

Presyo ng petrolyo, maaaring bababa kung marami ang gagamit ng e-vehicles sa bansa—DOTr

MAAARING bababa na ang presyo ng petrolyo kung maparami rin ang bilang ng electric vehicles sa bansa.

Ayon ito kay Department of Transportation (DOTr) Executive Assistant to the Secretary Joni Gesmundo.

Sinabi pa nito na environment-friendly ang e-vehicles subalit mainam na kontrolado pa rin ang paggamit dahil maraming ulat ng aksidente kaugnay sa e-trikes at e-bikes.

Noong Abril 15, 2024 ay nagsimula nang ipagbawal sa mga pangunahing mga daanan sa Metro Manila ang e-bikes at e-trikes maging ang push carts, pedicabs, at iba pang light e-vehicles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble