Sen. Jinggoy Estrada, walang ibang layunin kundi ang siraan lang ang resource person—ex-PDEA agent

Sen. Jinggoy Estrada, walang ibang layunin kundi ang siraan lang ang resource person—ex-PDEA agent

INIHAYAG ngayon ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales sa SMNI News na pawang paninira lang sa kaniya ang ginawa ni Sen. Jinggoy Estrada sa imbestigasyon ng PDEA leaks at hindi talaga nito pakay na pag-usapan ang tunay na isyu.

“Ako sasabihin ko na hindi siya marunong mag-imbestiga, sayang ang sweldo ng taong bayan sa kanya” pahayag ni Jonathan Morales, Former PDEA Agent.

Ito ang mga katagang binitawan ni former PDEA agent si Jonathan Morales sa eksklusibong panayam ng SMNI News matapos ang ginawang pagtatanong sa kaniya ni Sen. Jinggoy Estrada sa ginawang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong nakaraang araw.

Sa nasabing hearing kasi paulit-ulit na binabanggit ni Sen. Estrada ang background ni Morales kaugnay sa serbisyo nito sa pambansang pulisya at sa kung papaano ito nakapasok sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“(Let me invite you to who you are you are admitted to the PNP when?) 1993 your honor, exact date,” wika ni Sen. Jinggoy Estrada.

“According to the information that I received, you were dropped from the PNP on April 25 1994,” tanong uli ni Estrada.

Ayon kay Morales, wala aniyang nakuhang magandang impormasyon ang senador kaugnay sa tunay na isyu kung bakit lumabas sa publiko ang mga dokumento ng PDEA na kung saan nakasulat sa report ang pangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sumisinghot ng white powdery substance.

“Hindi ganun ang pag-iimbestiga, ako ba kapag nag-iimbestiga, ako ba pagagalitan ko ba ang iniimbistigahan ko? Wala akong makukuhang sustansya kahit mamamatay tao pa ‘yan, kahit na magnanakaw pa ‘yan, kahit pa sabihin mo na rapist ‘yan, pano ko mae-extract ang information kung aanuhin ko ‘yan, wala akong makukuha di ba?” ayon pa kay Morales.

Ayon kay Morales, nagtungo siya sa Senado bilang resource person at hindi isang suspect sa isang krimen.

“Resource person ako eh, unang-una gusto ko ngang linawin, akusado ba ako? suspect ba ako? di ba? Nandun ako as resource person tungkol sa PDEA leaks, bakit ako pinatawag, dahil jan sa mga dokumentong lumabas” ani Morales.

Dagdag pa ng dating PDEA agent na kung balak lang aniya nitong siraan ang Pangulo ng bansa, dapat ay noon niya pa ito ginawa noong tumatakbo pa lang ito sa pagkapangulo noong 2022 elections.

“Kung ako gusto ko lamang ay manira o ano pa man ‘di sana 2016 nagsalita na ako kung kani-kanino o doon sa mga kalaban niya di ba nung tao na nanjan sa report na ‘yan 2022 nang tumatakbo siyang presidente sana nilapitan ko na ang mga kalaban niya sa politika, bakit hindi ko ginawa, dahil hindi ako ganun at lahat ng information naiwan ‘dun sa investigation service ng PDEA na pilit nilang itinatanggi na meron” aniya.

Nilininaw rin ni Morales na hindi pa siya nakukulong kaugnay sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya.

Paliwanag pa nito bilang isang alagad ng batas normal lang ang magkaroon ng kaso dahil mayroon talaga silang nasasagasaan dahil sa pagpapatupad ng batas.

“Wala po akong conviction, ang totoo nyan bilang alagad ng batas normal na po sa amin ang magkaroon ng kaso kung hindi kamatayan kaso ‘yun po eh ‘yun lang po ang pagpipilian mo talaga eh lang magpapatupad ka ng batas at sa pagpapatupad ng batas normal lang na may magagalit sayo,” dagdag nito.

Tungkol naman sa sinabi ni Sen. Jinggoy na hindi siya mapagkakatiwalaan ay ito ang naging sagot ng dating PDEA agent.

“Dapat pagka ikaw ay isang politiko, dapat ito talaga ang dapat malinis ‘yung sinasabi ni Sen. Jinggoy Estrada na ang isang katulad ko ay walang karapatan dahil hindi dapat pagkatiwalaan, ang sabi niya ay napakaraming kaso ang tao na to, sari-sari ang kaso na hindi naman niya sinasabi na ako ay nananalo sa kaso, ay ako ay naa-acquit, eh ang tanong nga sino sa aming dalawa ang dapat pagkatiwalaan, ‘yun bang may mga kaso? o ‘yung na-convict na ng hukuman?” diin ni Morales.

Bumuwelta rin si Morales patungkol sa sinabi ni Sen. Jinggoy na pawang “heresay” lang ang mga dinalang isyu nito sa Senado.

Ayon kay Morales, magkaiba ang utos sa heresay lang, aniya kaya hindi natuloy ang operasyon sa paghuli kay Bongbong Marcos noon, ‘yun ay dahil sinunod niya lang ang utos sa kaniya ng nakakataas sa kaniya, ‘yun ay instruction at hindi heresay.

“Ako nung kausap ako ng aking opisyal at ‘yun ang sinabi, sabi nga niya eh naniwala ka naman eh anong gusto niyang paniwalaan ko, ‘yung janitor? Eh ang kausap ko ang number 3-man ng PDEA Asst. Sec Deputy Director General for Operation hindi ko paniniwalaan? Hindi po ‘yun heresay, totoo po ‘yun kausap ko po mismo ‘yung Sec. Deputy Director General for Operation at ‘yung sinasabi na ‘yun ay sinusunod namin kasi pinagkatiwalaan po ng presidente ‘yan eh in-appoint ng presidente,” dagdag nito.

Sabi pa ni Morales, ang dapat aniyang ginawa ni Sen. Jinggoy ay ipalabas kung gaano ka lehitimo ang dokemento kung tunay ba ito o hindi.

Dahil ang naturang dokumento aniya ay pilit na itinatanggai ng mismong PDEA dahil ang kasalukuyang namumuno sa nasabing ahensiya ay itinalaga mismo ng Pangulo na siya ring subject sa imbestigasyon.

“Ang ibidensiya dapat lang i-authenticate kung sino ‘yung sumulat o ‘yung pumirma, ‘yun pong inaano dito is ‘yung mga authority to operate at tsaka ‘yung pre-ops ang mag-o-authenticate, ‘yan ako kasi ako ang ginawa eh sinabi ko nga ako ‘yung nag imbestiga, ako yung ano, dinedeny lamang nila, alam mo bakit? Kasi nga ang nag-appoint kay General Lazo ay ‘yung nakaupong presidente ngayon ‘yun po ‘yun” ayon pa kay Morales.

Dahil sa mga nangyari at ang estilo ng pagtatanong sa kaniya sa Senado hindi maiwasan ni Morales na matakot.

“Kanyang opinyon po ‘yun, siguro talagang ‘yun lang ang abot ng kanyang pag-unawa bilang isang politiko, sinasabing halal ng bayan eh pagkaganyan po ang abot ng kaisipan ng isang halal ng bayan eh nakakatakot,” aniya pa.

Sa kabuuan ng hearing, sinabi ni Morales na paninira lang sa kaniya ang tunay na pakay ni Sen. Jinggoy Estrada.

“Una, talagang napansin ko talaga na character assassination na ‘yung ginawa niya at wala siya talagang inatupag kundi ang durugin, nang durugin, nang durugin, nang durugin ‘yung pagkatao ko,” diin pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble