Striktong smoking ban, ipatutupad sa lahat ng open parking spaces sa NAIA

Striktong smoking ban, ipatutupad sa lahat ng open parking spaces sa NAIA

IPATUTUPAD ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang striktong smoking ban sa lahat ng open parking spaces sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod ito sa insidente kung saan nasunog noong Abril 22, 2024 ang nasa 19 na mga sasakyan sa isang parking lot sa NAIA Terminal 3.

Kasabay ng striktong smoking ban ang paglalagay rin ng portable fire extinguishers bilang unang hakbang laban sa sunog.

Samantala, babayaran ng Philippine Skylanders International (PSI), ang private concessionaire na nag-ooperate ng nasunugang parking space ang lahat na expenses kaugnay sa insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter