1 presinto sa Sabangan Elem. School, Bonuan Gueset, inireklamo ng isang may comorbidity

1 presinto sa Sabangan Elem. School, Bonuan Gueset, inireklamo ng isang may comorbidity

INIREREKLAMO ng isang person with comorbidity at iba pang nakapila ang mabagal na pag-accommodate ng isang polling precinct sa Sabangan Elementary School sa Bonuan Gueset, Dagupan City.

Agad itong nagtungo sa principal at Department of Education (DepEd) supervising official na si Ma’am Verena Bautista.

Mabilis namang rumesponde ang supervising official matapos matanggap ang reklamo.

Ayon sa mga nakapila sa nasabing presinto sa 145 A, maaga pa sila nakapila ngunit inabot na sila ng hanggang alas-9 ng umaga dahil hindi pinupuno ang mga bakante.

Ang Bonuan Gueset ang isa sa tatlong may pinakamaraming populasyon sa Dagupan City kung kaya’t may dalawa itong voting center ang isa ay sa North Central Elementary School.

Ito ay may mahigit 17k na botante at sa Sabangan Elementary School ay may mahigit na 7k na botante.

Ang Sabangan Elementary School ay may 69 election board members, dalawang support staff at isang supervising official.

Saad ni Ma’am Bautista, base sa kasaysayan, tahimik ang botohan sa nasabing lugar maliban sa iilang reklamo na hindi mahanap ang mga pangalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter