1 suspek sa Degamo murder, nagpasaklolo na sa hukuman

1 suspek sa Degamo murder, nagpasaklolo na sa hukuman

NAGHAIN na ng petition for habeas corpus sa Manila Regional Trial Court ang isang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ang petition for habeas corpus ay isinumite sa Manila Regional Trial Court ni Atty. Danny Villanueva, bilang legal counsel ng suspek na si Joven Javier.

Nauna diyan ay binawi ni Javier ang kaniyang testimoniya na nagdidiin kay Congressman Arnolfo Teves, Jr. sa kaso ng pagpatay kay Gov. Degamo.

Nakasaad sa petisyon na nanganganib ang buhay ni Javier dahil nadiskubre nila na may planong ipapatay ang suspek sa pamamagitan ng pekeng senaryo na tumatakas o nag-amok si Javier kaya napatay ng mga bantay.

Nilinaw naman ng kampo ni Javier na wala pang naisasampang kaso laban sa kaniya kaya walang batayan para siya ay ikulong.

Iginiit pa ni Javier na naipasok siya sa Witness Protection Program kahit wala naman siyang nagawang krimen kaya hiniling niya sa hukuman na atasan ang mga respondents na sina Justice Secretary Crispin Remulla at NBI Director Medardo Delemos na iharap o ipresenta siya sa korte at palayain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter