100% seating capacity sa classrooms sa kolehiyo na nasa Alert Level 1, puwede na

100% seating capacity sa classrooms sa kolehiyo na nasa Alert Level 1, puwede na

PINAHINTULUTAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa kolehiyo o Higher Educational Institutions ( HEIs) sa mga lugar na nasa Alert Level 1 status.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO)  Undersecretary at Acting Deputy Spokesperson Kris Ablan, base na rin aniya sa ginawang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa ilalim ng Resolution 164 na inilabas ng IATF ngayong araw, Marso 11, pwede nang gamitin ang 100-percent seating capacity ng mga classroom sa kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Sa kabila nito, tanging fully vaccinated kontra COVID-19 lamang na teaching, non-teaching personnel, at mga estudyante ang pinapayagan sa in-person classes.

Habang mananatili naman sa flexible learning modalities ang unvaccinated o partially vaccinated na mga estudyante.

Sa requirement para sa HEIs bago ang operasyon sa mga lugar na nasa Alert Level 1,  kailangan na magsagawa ang mga ito ng self-assessment checklist base na rin sa CHED-DOH Joint Memorandum Circular No. 004-2021, at operasyon sa ilalim ng self re-opening.

“They shall take the self-assessment checklist as per CHED-DOH joint memorandum circular number ‪004-2021, and operate under self-re-opening. However, they can continue to get technical assistance from their respective local government units or LGUs, the local IATF, CHED regional offices, and the CHED experts group,” pahayag ni Usec. Michel Kristian Ablan, PCOO Acting Deputy Presidential Spokesperson.

Pagdating naman sa operasyon ng HEI student dormitories, nakasaad sa naturang resolusyon na walang restriksyon sa kanilang operational capacity.

Pero kailangan lamang na makapag-secure ang HEI ng clearance mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan bago sila magbukas.

Saad din ng IATF, kailangang tiyakin ng HEI na ang mga estudyante na sasali sa limitadong face-to-face classes ay nakarehistro sa PhilHealth o may katumbas na medical insurance, na saklaw ang medical expenses related to COVID-19.

Inirerekomenda na ang mga estudyante na above 21 years old ay maaaring mag-enroll sa PhilHealth bilang indigent members, dahil wala naman silang visible means of income. Sa mga students below 21 years, maaari silang maging dependents ng kanilang parents o legal guardians.

Follow SMNI News on Twitter