11 barangay sa Tabaco City, mapuputulan ng kuryente

11 barangay sa Tabaco City, mapuputulan ng kuryente

KINUMPIRMA ng Albay Power and Energy Corporation o APEC na may 11 barangay sa lungsod ng Tabaco ang may milyong pisong pagkakautang kung kaya’t maaaring maputulan ang mga ito ng suplay ng kuryente.

Kabilang sa 11 barangay ang Tayhi na may utang di-umano na 14 na milyon, Barangay Bonbon na umabot sa 7.7 milyon, 8.4 milyon naman sa Barangay Baranghawon, 3.8 milyon sa Barangay Divino Rostro, 10 milyon sa San Lorenzo, 12 milyon sa barangay Matagbac at 7.8 milyon naman sa barangay Panal habang ang 3 barangay ay hindi pa pinapangalanan dahil kasalukuyan pa itong bina-validate.

Maging ang Barangay Bacolod ay una nang naputulan ng suplay ng kuryente dahil umabot na sa 7.8 milyon ang pagkakautang nito sa APEC.

Ang pagkakaroon ng illegal and unregistered connections ang nakikitang pangunahing kadahilanan kaya umabot na sa milyones ang mga pagkakautang ng mga nasabing barangay.

Ayon pa sa APEC, ang lokal na pamahalaan ng Tabaco City ay nabigyan na ng mga listahan ng mga barangay na may malalaking pagkakautang sa nasabing korporasyon.

Inaasahan ng korporasyon na ang bawat LGU’s na nabigyan ng listahan ay mahihikayat na bayaran ang kanilang mga utang at matigil na rin ang mga gumagawa ng na koneksyon sa lugar.

(BASAHIN: ASF, na-detect sa 61 na baboy sa Bayan ng Albay)

SMNI NEWS