NASA 143 na mga Pilipino ang binigyan ng pardon ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE).
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang pardon na ito ay hindi para sa mga malalaking pagkakasala tulad ng mga kaso ng death penalty, ngunit para sa minor offenses lamang.
Karaniwang nagpapatawad ang UAE sa panahon ng okasyon ng Eid al Adha kung saan ipinagdiwang ito noong Hunyo ngayong taon.
Inihayag pa ni De Vega na pormal na ipinaalam ng UAE Embassy sa DFA ang patungkol dito noon pang Agosto.
Binigyang-diin naman ng DFA official na pinahahalagahan ng Pilipinas ang ganitong uri ng pagkilos ng mga kaibigan mula sa bansang United Arab Emirates.