NCRPO, walang nasagap na banta ngayong Semana Santa

NCRPO, walang nasagap na banta ngayong Semana Santa

WALANG nasagap na impormasyon ang National Capital Region-Police Office (NCRPO) na anumang banta ngayong Semana Santa.

Ayon kay NCRPO spokesperson Lt. Col. Luisito Andaya, Jr. sa panayam ng SMNI News magsisimula ang Semana Santa ngayong April 2 – 8, 2023.

Kaugnay nito, naglabas na ang Department of Transportation (DOTr) ng iskedyul ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Holy Week.

Sa kanilang abiso, ihihinto ng Philippine National Railways (PNR) ang mga biyahe simula sa Abril 6, Huwebes Santo, hanggang Abril 9, Linggo ng Pagkabuhay.

Habang mananatili ang regular na mga biyahe ng PNR mula Abril 1 – 5, Miyerkules Santo.

Ang MRT-3 ay magkakaroon ng tigil operasyon simula April 6 – 10.

Ang LRT-2 ay April 5 ang huling commercial trip habang April 6 – 9 ay wala itong operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter