KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng 18 katao kasunod ng landslide sa Purok B, Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.
Puspusan ang rescue operations ng mga tauhan ng PNP para sa mabilis na paghuhukay sa iba pang mga biktima ng nasabing kalamidad.