18 OFWs na apektado ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah, dumating na

18 OFWs na apektado ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah, dumating na

DUMATING na ang 18 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng tensiyon sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah ngayong Miyerkules, Disyembre 13, 2023.

Ang mga naturang Pinoy repatriates ang ika-17 batch kung saan umabot na sa kabuuang 110 ang napauwi ng gobyerno ng Pilipinas simula nang itinaas sa Alert Level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Lebanon noong Oktubre 21, na nananawagan para sa boluntaryong repatriation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble