194 high-impact priority projects, inaprubahan ni PBBM

194 high-impact priority projects, inaprubahan ni PBBM

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 194 high-impact priority projects.

Nagkaroon ng pagpupulong ang National Economic and Development Authority (NEDA) kasama si Pangulong Marcos na siyang tumatayong chairman ng NEDA Board, Huwebes, Marso 9, 2023.

Ayon sa Presidential Communication Office, tinalakay sa pulong ang tentative na listahan ng mga infrastructure flagship projects sa ilalim ng programang “Build, Better, More” ng pamahalaan.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nasa 194 na proyekto na aabot sa halagang P9-trillion ang nasa kanilang listahan.

Ilan sa mga big-ticket projects ay ang Panay Railway Project, Mindanao Railway Project III, North Long Haul Railway, San Mateo Railway, UP-PGH Diliman Project, NAIA or Ninoy Aquino International Airport Rehabilitation Project, Ilocos Sur Transbasin Project, at Metro Cebu Expressway.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang pag-amyenda sa 2013 NEDA joint venture (JV) guidelines.

Inaasahang mas mapapadali nito ang proseso ng public-private-partnership at masiguro ang naaayon sa batas at pinansiyal na kapasidad ang mga proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter