2 billion viewers, inaasahang mag-aabang ng Women’s World Cup sa Hulyo

2 billion viewers, inaasahang mag-aabang ng Women’s World Cup sa Hulyo

INAASAHANG 2 billion viewers ang nag-aabang sa nakatakdang Women’s World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand ayon sa FIFA.

Sinabi ni FIFA Chief Women’s Football Officer Sarai Bareman, ito’y dahil sumisikat na ang women’s football sa maraming mga bansa.

Sa nalalabing 100-araw bago ang World Cup ay mayroon na ring 650,000 ticket sales.

Ang kick off ay sa July 20 hanggang August 20, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter