AGAD na nag-radio challenge ang BRP Ramon Alcaraz PS16 matapos na mamataan ang presensiya ng dalawang Chinese warships sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas kung saan isinasagawa ang ika-2 Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at USINDOPACOM.
Naganap ito alas otso ng umaga, araw ng Miyerkules, Enero 3, 2023 kung saan namataan ang pag-aligid ng isang Chinese warship 174 PLA-N Destroyer at Chinese warship 570 PLA-N Frigate.
Bigo namang makatanggap ng tugon ang Philippine Navy mula sa dalawang warships bagamat hindi naman ito nakaapekto sa maritime exercises ng Pilipinas at US.