2 CTG leader patay sa engkuwentro sa Northern Mindanao

2 CTG leader patay sa engkuwentro sa Northern Mindanao

NAGRESULTA ang panibagong operasyon ng kasundaluhan sa Northern Mindanao sa pag-neutralize ng isang miyembro ng communist terrorist group (CTG) at 2 matataas na lider nito.

Ang mga nabanggit na mga rebelde ay nag-o-operate sa Northern Mindanao at Caraga Region. Maliban sa mga na-neutralize na indibidwal, nakumpiska rin ng mga sundalo ang pitong matataas na kalibre ng armas.

Ayon sa ulat, rumesponde sa sumbong ng mga residente na may presensiya ng rebeldeng grupo ang tropang 1st Special Forces Battalion, sa ilalim ng operational control ng 403rd Infantry Brigade.

Dito naka-engkuwentro ng mga sundalo ang grupo ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa Brgy. Iba, Cabanglasan, Bukidnon.

Ang nabanggit na engkuwentro ay nagresulta sa pagkasawi ni Alfredo Banawan, o kilala sa tawag na Alab, isang secretary ng NCMRC at  Dodong Sagula, Alias Joen/Ejel,  isang supply officer ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG) COMPAQ, NCMRC.

Kasamang nakuha ng awtoridad ang apat na high-powered firearms at iba pang gamit pandigma.

Maliban pa dito nadiskubre din ng 1st Infantry Division ang arms cache sa Brgy. Gambai, Lumba-Bayabao, Lanao del Sur na kung saan nakuha ang M653 carbine rifle at isang M16 rifle.

Ayon kay Major General Michele Anayron Jr., commander ng 4ID, hindi sila titigil sa kanilang mga ginagawang operasyon laban sa mga komunistang teroristang grupo sa kanilang lugar lalo pa’t ang mga makabuluhang hakbang na ito’y lalong nagpapahina sa kalooban ng CTG na makipaglaban at sa kanilang kakayahan na magsagawa ng mga pag-atake.

“We will remain determined in our efforts to significantly reduce the capabilities of these terrorist criminals to harass innocent civilians. As the CTG continues to lose key leaders and more members, we will continue our pursuit until they are defeated. With the support of our civilian population and partner stakeholders under the Task Force to End Local Communist Armed Conflict, we will not rest until this decades-long issue is resolved,” pahayag ni MGen. Michele Anayron, Jr., Commander, 4th Infantry Division, Philippine Army.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble