2 drug target listed sangkot sa bentahan ng droga, arestado sa Subic Zambales 

2 drug target listed sangkot sa bentahan ng droga, arestado sa Subic Zambales 

DALAWANG nasa drug target listed ang naaresto sa loob ng hinihinalang drug den sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales noong Miyerkules ng nakaraang linggo.

Base sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Officer kay Director General Moro Virgilio Lazo, Kinilala ang mga suspek na sina:

Abdurakman Pacsa Y Mawal, 48, Calma, Tani Y Sahac, babae, 44 kapwa taga Calapacuan Subic Zambales, kabilang pa ang dalawang kasamahan na inaresto sina Nelbert Glino and Garage @Badjao, 38 residente ng Purok 4, Brgy. New Cabalan, Olongapo City; at Alvin Sabeniano Y Babia, 48 residente ng Brgy.  Sana, Olongapo City.

Nakuha sa mga naarestong suspek ang kabuuang pitong plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102-K; sari-saring mga gamit sa droga; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ayon sa report ng team lider ng PDEA, ang operasyon ay produkto ng isang buwang casing at surveillance Naval Intelligence Security Group (NISG) North at Subic Police Station.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble