2 kasong inihain ni Deniece Cornejo vs Vhong Navarro, ‘dimissed’ na

2 kasong inihain ni Deniece Cornejo vs Vhong Navarro, ‘dimissed’ na

DISMISSED‘ na ang dalawang criminal case na inihain ng model na si Deniece Cornejo laban sa TV host na si Vhong Navarro.

Ang dalawang tinutukoy ay ang rape at ang act of lasciviousness na mga kaso.

Ayon sa Supreme Court Third Division, sa pamamagitan ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ‘inconsistent’ o paiba-iba ang mga alegasyon ng kampo ni Cornejo.

Taong 2018 at 2020 ay nauna nang nai-dismiss ang complaint na ito ni Cornejo dahil din sa credibility issues.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter