2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “mooonlighting” sa isang Chinese national, isinailalim na sa restrictive custody

2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “mooonlighting” sa isang Chinese national, isinailalim na sa restrictive custody

ISINAILALIM na sa restrictive custody ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang 2 tauhan nito na sangkot sa “moonlighting” matapos magsilbing bodyguard ng isang Chinese national.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ng prosecutor’s office ang pagpapalaya sa 2 SAF commando sa kulungan.

Bibigyan pa rin ang mga ito ng pagkakataong ilahad ang kanilang panig sa pamamagitan ng isusumite nilang counter-affidavit.

Magugunitang nabisto ang “raket” ng 2 SAF commando matapos magsuntukan sa isang kilalang subdivision sa Muntinlupa City noong Mayo a-18.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter