20 miyembro ng kompanya na sangkot sa umano’y investment scam, arestado sa Makati

20 miyembro ng kompanya na sangkot sa umano’y investment scam, arestado sa Makati

NAARESTO ang 12 Filipinos at 8 foreign nationals na sangkot sa umano’y investment scam sa isang hotel sa Makati nitong Linggo.

Ito ay kasunod ng ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection-National Capital Region (CIDG-NCR) katuwang ang Securities and Exchange Commission (SEC) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Nag-ugat ang operasyon matapos magpasaklolo sa pulisya ang Enforcement and Investor Protection Department ng SEC laban sa kompanya na umano’y nag-aalok, nagso-solicit at nagbebenta ng securities nang walang secondary license sa komisyon.

Nakuha sa hotel ang investment money, at USB flash drive na naglalaman ng powerpoint presentation ng kompanya.

Dinala ang mga suspek sa CIDG NCR at sasampahan ng paglabag sa RA 8799 (Securities Regulation Code) at RA 11765 (Financial Products and Services Consumer Protection Act).

Muling pinaalalahanan ang publiko na huwag maniwala sa mabilisang pera o pangako ng malaking return of investment.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter