PINURI ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kontribusyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan hanggang sa ibang bansa.
Nasa 20 miyembro ng PNP UN Peacekeeping Delegation ang ginawaran ng Medalya ng Kasanayan matapos ang kanilang tour of duty sa Juba, South Sudan mula Nobyembre 17, 2022 – Disyembre 22, 2023.
Pinangunahan ni DFA Sec. Enrique Manalo ang pagkilala sa lingguhang flagraising ceremony sa Kampo Krame, araw ng Lunes, Pebrero 12, 2024.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Manalo na bilang founding member ng United Nations, masigasig na nakikiisa ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bansang nakararanas ng matinding sigalot.
Buhat aniya nang ipadala ang Limbas Squadron sa Congo noong 1963, sinabi ni Manalo na nakapagpadala na ang Pilipinas ng may 14,000 UN Peacekeeping Force sa 21 bansa.
Kabilang na sa mga ito ay ang UN Peacekeeping Missions sa Africa, Gitnang Silangan gayundin sa Asia Pacific.