SUGATAN ang 20 katao matapos masunog ang isang speedboat sa katimugang bahagi ng Thailand.
Nasunog ang isang speedboat habang naglalayag sa karagatan matapos sumabog ang makinarya nito.
Base sa report na inilabas ng Thai newspaper na Matichon, bandang 2:30 ng hapon nang naglayag ang bangka sa Southern Chumphon province patungong Koh Tao Island.
18 pasahero ang na-rescue ng mga awtoridad kasama na ang dalawang crew ng bangka na malubhang nasugatan matapos ang nangyaring insidente.
Agad namang isinugod sa malapit na ospital ang mga nasabing biktima.
Samantala, nagpahayag naman ang local rescue agency na Chumphon Charity Welfare Foundation sa Facebook page nito na natuklasan na nito ang pinagmulan ng insidente.