20M na boto, posibleng lamang ni BBM kay Robredo sa nalalapit na halalan – Publicus Asia

20M na boto, posibleng lamang ni BBM kay Robredo sa nalalapit na halalan – Publicus Asia

DALAWAMPU’T anim hanggang dalawampu’t walong milyong boto ang katumbas ng 56% ni presidential candidate Bongbong Marcos (BBM) na nakuha nito sa pinakahuling presidential survey ng Publicus Asia.

Ito ang ibinahagi ni Dr. David Yap, ang chief data scientist ng Publicus Asia Inc. sa panayam ng SMNI News kung pagbabatayan ang tinatayang limampu’t dalawa hanggang animnapu’t limang milyong registered voters sa bansa.

Ani Yap, dalawampung milyong boto ang magiging lamang ni Marcos kay Robredo na syang pumapangalawa base sa resulta ng kanilang survey.

Dahil dito, ayon kay Yap, mahirap na aniyang habulin pa si BBM.

Plano naman ng Publicus Asia na magpalabas pa ng election survey linggo-linggo bago ang eleksyon sa Mayo.

BASAHIN: Dating kaalyado ni Leni Robredo, si BBM ang suportado ngayong halalan

Follow SMNI News on Twitter