NAKATANGGAP ng tulong-pinansiyal mula sa Sorsogon LGU ang nasa 21 na dating miyembro ng communist terrorist group (CTG).
Ginawa ito kasabay ng pagpresenta sa mga dating rebelde na ginanap sa Brgy. Burabod, Sorsogon kamakailan.
Kabuuang P2.1-M ang ibinigay ng Sorsogon LGU sa mga dating rebelde bilang bahagi ng kanilang suporta sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Maliban pa sa tulong-pinansiyal, nakatanggap din ang mga dating rebelde ng pabahay, livelihood, educational, at medical programs.
Kasabay rito, pinuri ni Gov. Edwin “Boboy” Hamor ng Sorsogon ang mga former rebel sa kanilang ginawang desisyon na iwanan ang maling grupo at maling ideolohiya.
Sa huli, patuloy naman ang paghihimok ng gobernador sa mga natitira pang miyembro ng rebelde na sumuko na sa pamahalaan upang makasama na ang kanilang pamilya ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.