21 members ng powerlifters sa bansa binigyang pagkilala sa Senado

21 members ng powerlifters sa bansa binigyang pagkilala sa Senado

BINIGYANG pagkilala ng Senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, nasa 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang ay mayroong 21 gold medals, apat na silver medals at apat na bronze medals ang nakuha ng women’s team habang sa men’s team naman ay 23 gold medals, 13 silver medals at 13 bronze medals.

Bukod pa dito ay mayroong 10 bagong Asian records ang nakamit ng Pilipinas.

Kaya naman hindi maiwasang mamangha ng mga Senado sa nasabing parangal na nakuha ng mga atleta para sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter