212 pamilyang nasunugan sa Damayang Lagi, binigyan ng financial aid ng QC LGU

212 pamilyang nasunugan sa Damayang Lagi, binigyan ng financial aid ng QC LGU

NAGPAPASALAMAT sa Quezon City LGU ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Damayang Lagi sa mabilis na aksiyon na tulong-pinansiyal na pinaabot sa kanila.

Ang tulong-pinansiyal ay ibinigay sa 212 pamilyang nasunugan sa Brgy. Damayang Lagi.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng financial aid sa mga biktima. Ang mga house owner ay nakatanggap ng P10-K habang P5-K naman para sa mga sharer/ renter.

Nauna nang nakapagbigay ang lungsod ng food packs at material assistance sa mga nasunugan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble