NAGLABAS na ng iskedyul para sa Semana Santa ang LRT Line 1 and 2 at ang MRT-3.
Para sa LRT Line 1, mula Marso 25 – 26, magsisimula ang kanilang first trip sa Baclaran at Fernando Poe Jr. Station ng 4:30 am habang ang last trip sa Baclaran ay 10:00 pm at 10:30 pm naman sa FPJ Station.
Wala namang operasyon ang LRT-1 mula Miyerkules Santo hanggang Easter Sunday.
Ang LRT Line 2 naman, pinaikli ang kanilang operasyon sa Marso 27, araw ng Miyerkules, ang first trip sa Antipolo at Recto Station ay magsisimula ng 5:00 am habang ang last trip ay 7 pm.
Wala naman silang operasyon mula Marso 28 – 31.
Ang MRT-3 naman, magsisimula ang kanilang first trip sa North Ave. Ng 4:30 am habang 5:05 am naman sa Taft Ave. Station sa araw ng Miyerkules habang ang last trip sa North Ave. Station ay 9:30 pm habang 10:09 pm sa Taft Ave. Station.
Wala rin silang operasyon mula Marso 28 – 31.
Kapwa naman magbabalik ang operasyon ng LRT-1 and 2 at MRT-3 sa Abril 1 araw ng Lunes.