KABILANG sa apat na pinaka-mabentang vinyl albums sa nakalipas na 10 taon ang tatlong album ni Taylor Swift.
Batay ito sa inilabas na datos ng Official Charts Company bilang paghahanda sa Record Store Day 2025 na gaganapin sa Abril 12.
Nangunguna rito ang kaniyang ‘Midnights’; ang ‘The Tortured Poets Department’; at ang ‘1989 (Taylor’s Version)’.
Ang iba pang nasa listahan ay ang ‘Harry’s House’ at ‘Fine Line’ ni Harry Styles; ‘Legacy’ at ‘Blackstar’ ni David Bowie; ‘Divide’ ni Ed Sheeran; ‘When We Fall Asleep, Where Do We Go?’ ni Billie Eilish; at ‘Currents’ ng Tame Impala.