3-day relief Ops para sa mga pamilyang apektado ng baha sa Davao Region, ikinasa ng OVP

3-day relief Ops para sa mga pamilyang apektado ng baha sa Davao Region, ikinasa ng OVP

IKINASA ng Office of the Vice President (OVP) ang 3 araw na relief operations sa libu-libong pamilyang nalubog sa baha sa Davao Region dala ng epekto ng shearline.

Pinangunahan ito ng OVP-Disaster Operations Center (OVP-DOC) at ng Davao Satellite Office, kasama rin ang mga kawani ng PDRRMO ng mga probinsya.

Nasa 4,169 pamilyang binaha sa iba’t ibang bayan sa Davao Del Norte at Davao De Oro ang nabigyan ng relief bags at bigas.

Magpapatuloy pa ang pamimigay ng tulong ng OVP sa Maco, Mabini at Pantukan, Davao De Oro, gayundin sa Davao Oriental sa mga susunod na araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble