3 dayuhan na convicted sa Amerika, nasabat sa NAIA

3 dayuhan na convicted sa Amerika, nasabat sa NAIA

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA ang tatlong foreign sex offenders matapos magtangkang pumasok sa Pilipinas.

Ang mga dayuhan ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagpapanggap na mga turista.

Kinilala ang tatlo na sina Jeffrey William Jewitt, isang convicted sex offender sa Illinois noong 2012, ang Amerikanong si Charles David James Weatherall na convicted sa child pornography sa United Kingdom at Amerikanong si Momodu Wurie Jalloh na convicted sa Virginia sa kasong aggravated sexual assault.

Kasalukuyang pinoproseso ang deportation proceeding at inilagay na sila sa Immigration blacklist para hindi na makabalik sa Pilipinas.

Nakasaad sa Immigration Act na ang mga illegal aliens o foreign nationals na nahatulan ng krimen tulad ng moral turpitude ay awtomatikong hindi papasukin dito sa ating bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter